| |
February 11, 2004
Nakakatuwa naman itong young actor na si Dingdong Dantes.
Tahasang sinabi ni Dingdong na personal niyang ikakampanya ang premyadong aktres na si Boots Anson – Roa na ngayon ay kumakandidato
bilang senador sa ilalim ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino.
Hinahangaan ng young actor ang pagtataguyod ni Boots sa “ Una sa Lahat , Pamilya “ na aniya’y siyang pundasyon ng masagana at
mapayapang pamahalaan.
Sinabi pa ni Dingdong na hinahangaan niya ang matatag na pagsasama nina Boots at Pete Roa na sa kabila ng mga bagyo at di mabilang na
pagsubok ay buo pa rin ang kanilang pagsasama.
Ayon pa sa actor kung magpapakasal siya ay ihahalintulad niya ito sa pagsasama nina Boots at Pete kung kaya sisiguruhin niyang
kukuning ninong at ninang ang mag-asawa.
Aniya ang pamilya Roa ay nagsisilbing modelo sa showbiz industry para sa isang matatag na pagsasama at buong pamilya.
Ang swerte naman ng pakakasalan ni Dingdong sa hinaharap dahil modelo nito ang mga Roa.
Binigyang diin pa ni Dingdong na sasama siya sa mga kampanya ni Boots.
|
|
|
|