| |
February 7, 2004
Nanawagan ngayon si Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) senatorial candidate Boots Anson-Roa sa mga jeepney
operators at drivers na maghinay-hinay sa plano nitong maglunsad ng tigil-pasada kung hindi mapagbibigyan ng
pamahalaan na maitaas ang pasahe.
Aniya, nakikisimpatiya siya sa mga hinaing ng mga jeepney drivers at operators ngunit kailangang maghinay-hinay
ang mga ito sakali mang ituloy nito ang napipintong tigil-pasada.
"Higit na makaapekto sa ekonomiya ng bansa kung mapaparalisa ang transportasyon. Sana malaman ng mga jeepney
operators at drivers na mas maraming mamamayan ang maapektuhan kung itutuloy nila ang kanilang banta," aniya Anso-Roa.
Nauna rito, nagsampa ng petisyon ang mga samahan ng jeepney drivers at operators sa Land Transportation and
Franchising Regulatory Board (LTFRB) na humihiling ng P1.50 dagdag pasahe.
Ayon kay Efren De Luna, President eng PCDO-ACTO na ang kanilang petisyon sa dagdag na pasahe ay dahil na rin sa
pagtaas ng presyo petrolyo, mga spare parts at mga pangunahing bilihin,
"Mabigat din ang hinihinging dagdag na pasahe para sa mga commuters natin. Sana magkaroon ng pagkakasundo sa pagitan
ng mga samahan ng drivers at operators at ng LTFRB at isaalang-alang din ang kapakanan ng publiko na higit na papasan
sa mataas na pasahe," panawagan ng senatorial candidate.
Kasabay nito, nanawagan din si Anson-Roa sa Department of Trade and Industry na masusing mag-monitor sa bawat
pamilihan at mga retailers upang matiyak na walang magsasamantala sa gitna ng nagtaasang presyon ng mga mga
pangunahing bilihin, karne ng baboy, karne ng baka, gulay at iba pang bilihin.
Nabatid na nagtaan ng P10 hanggang P15 ang presyon ng karne ng baka at baboy. Nasa P0.50 hanggang P1.50 naman ang
itinaas ng presyo ng mantika sa mga pamilihan.
Samantala, malaki naman ang ibinagsak ng presyo ng manok dahil na rin sa balitang birds flu.
|
|
|
|