AN INTERVIEW WITH BOOTS ANSON-ROA AND PETE ROA
Philippine Headline News Online, 2002
Kinapanayam ng PG ang celebrity parents na sina Boots Anson-Roa at Pete Roa tungkol sa kanilang magandang samahan at tungkol sa pagpapalaki sa apat nilang anak.

PG: Paano nagsimula ang magandang pagsasama ninyong mag-asawa?

PETE: Sa tanong na yan, para mo na ring tinanong kung anong personalidad namin. Kasi, it takes two to have a marriage.

Puwede nating sabihin na you can learn a lot of the answers from the song "Silent Night, Holy Night." Siya ang "Holy Night", ako ang "Silent Night" kaya sa aming marriage, all is calm, all is bright. Kidding aside, siguro sinuwerte kami na ang aming personalidad o aming karakter ay merong pagka-compatible.

I'm not a very assertive person. Si Boots, ganoon din. Hindi kami confrontational personalities. Pareho, kaya it's so easy for us to adjust to each other. Ang 32 years naming pagsasama has always been characterized by a dialogue between the two of us.

PG: How is Boots as a wife?

PETE: Maski na ikalaki ng kanyang tenga, she is an ideal wife for me. I always say that kasi I think she is a better wife to me than I am a husband to her for the simple reason that I know my shortcomings. I think I'm more selfish in many ways than she. Si Boots, mabait, very generous. Ako, medyo may pagka selfish pa. I'm trying to do something about it but I have to admit, I am so, that's why I always say she is a better wife to me than I am a husband to her.

PG: Kailan kayo nagpasya na gusto na ninyong magka-anak?

PETE: When I decided I wanted to marry. I was already 24 when we got married. Girlfriend ko na si Boots noon so we talked about it. Sabi ko, sige i-plano na natin ang wedding next year. Pero ang nangyari, instead of having that planned wedding, nag-elope kami all because of dare. We're not really too sure of it... it was our decision anyway. Kasi the night before, eh na dare kami pero we laughed it off tapos the following morning napag-usapan pa rin namin. We started to dare each other and because we were daring each other, iyon, natuloy kami the following day.

BOOTS: Iyong first baby namin was a honeymoon baby actually. After that, nag natural family planning kami. We were hoping that at least every two years kami magkaka-anak. More or less, nasunod naman. One and a half years ang pagitan ng dalawang una, three and a half iyong pangalawa't pangatlo, at two and a half iyong pangatlo't pang-apat.

PG: How is Boots as a mother?

BOOTS: Boots as a mother is better than Boots as a wife. Ganoon din ako sa mga anak ko. Pareho ang trato ko sa mga anak ko the way I treat Pete.

Hindi ako estrikto sa kanila. Hindi ko ini-impose yung aking mga gusto sa kanila. Guidelines lang yung binibigay ko usually because I like giving them a chance to decide for themselves. Kahit noong maliliit sila, pag pupunta sa tindahan, halimbawa, sinusuggest ko lang yung "baka ito ang gusto mo, ito ang bagay sa iyo, size Y siguro ito." Tapos, sila ang nagde-decide din kung anong gusto nila.

Halimbawa, when it came to choosing their college course, hindi na namin sinasabi sa kanila na "eto ang kunin mong kurso." Apat na batayan lang yan. Apat na guidelines ang binibigay namin sa kanilang lahat. Una, gusto mo ba ang kursong kukunin mo. There is nothing worse than taking a course na ayaw mo... na kukunin mo dahil gusto lang ng mga magulang mo. Pangalawa, kaya ba ng utak mo. Kasi, kung hindi kaya, humanap ka na lang ng mas madaling kurso kasi nagsasayang tayo ng oras, ng pagod mo at ng pera. Pangatlo, kaya ba ng bulsa natin.

PG: Paano ninyo inaayos 'yong conflict pag nagkakaroon?

BOOTS: Pinag-uusapan namin 'yon. We try to listen to them and we take into consideration ang pagkakaiba ng panahon nila at panahon namin. Halimbawa, kung mga bagay na walang kinalaman sa moralidad, it's a matter of taste. Pinapabayaan namin sila, we just give them our opinions pero sila ang nagde-decide. Ngayon kung bagay na may kinalaman na sa tama at mali, doon ay talagang isinasaad namin 'yong nasa isip namin. Sa awa ng Diyos, wala naman kaming conflicts when it comes to issues na mayroong moral implications.

PG: Ano ang pinakamahalagang lesson na naituro ninyo sa mga anak ninyo?

BOOTS: Siguro ang maging mapagkumbaba. Iyong huwag abusuhin 'yong kagandahang loob ng ibang tao. Kagaya n'yan na medyo kilala naman 'yong magulang nila. Sinasabi namin na wala silang karapatan na maging abusado sa mga ilang prebilehiyong ibinibigay sa kanila as children of celebrity parents. Dapat pa nga ay maging mapagkumbaba sila at maging mas considerate sila sa iba lalo na sa nakaliliit sa kanila.

I believe, we've always made it known to them na ang pagkakakilala sa tunay na katauhan ng isang tao ay kung paano n'ya tinatratro 'yong mga mas maliliit sa kanya at kung ano ang pananaw niya sa kapangyarihan, sa kayamanan at sa prebileyo na ibinibigay sa kanya.